LARAWANG KUPAS
Mayamang bukirin,
tahimik na karagatan,
Mga ibong
malayang nagliliparan,
Mapayapang hampas
ng alon sa dalampasigan,
Tao sa gabi’y
masayang nagkukwentuhan,
Mga batang
naglalaro sa kabilugan ng buwan.
Ang larawang ito
ay unting-unting nawawala,
Nasisira at
ipinagwawalang bahala.
Ngayon ang
nangyayari ay ang kabaliktaran,
Putok dito, putok
doon, nasaan ang kapayapaan?
Araw at gabi’y
dumanak ang dugo,
Napuno ng takot
ang bawat pulo,
Kasabay ng
kalabit ng baril at putok ng bomba,
Ay ang
nakabibinging iyak at inosenteng luha.
Kapwa tao’y
nagsasakitan,
Kapwa Pilipino’y
nagpapatayan,
Kapatid sa kapatid,
laman sa laman,
Mga isinakripisyong
buhay at sugatang sibilyan.
Para lang sa
walang kwentang dahilan,
Yun ay ang
kasarinlang pansarili lamang,
Isang katuwirang
mali ang pinaninindigan.
Ito ba ang
tinatawag na iisang bayan?
Na sa halip ang
maghari ang pagmamahal, ay kaguluhan.
Ilang taon pa
kaya ang lilipas?
Gaano pa karami ang
larawang kukupas?
Kalian makakamit
ang katahimikan?
Ang katahimikang
papayapa at magbubuklod sa bayan ni Juan.
Mga Komento
Mag-post ng isang Komento