NAGMAMAHAL, JUNIOR
Mahal
kong Inay,
Sabik
na akong mabuhay,
Ang
pasayahin ka kapag ika'y matamlay,
At
marinig ang mga pangaral ni Itay.

Sabik akong
masilayan ang mundo,
Ang madama ang pagmamahal
ninyo,
Ang makita kang
nakangiti habang ako’y kinakarga,
Ang mahalikan at
makalaro si Ama.
Gusto kong
marinig ang kwento ni Lola,
Ang halakhak ni
Lolo at ang kanyang musika.
Gusto kong
makalaro ang aking mga pinsan,
At magkaroon ng maraming kaibigan.
Balang araw ay
papahiran mo ang aking basang likod,
At iihipan ni Ama
ang sugatan kong tuhod,
Sabik na akong
mangarap at lumaki,
Upang balang araw
ako’y inyong maipagmalaki.
Ako’y masaya ngayon
na ako ay nasa iyong sinapupunan,
Di ko na mahintay
na ako ay isilang.
Hanggang isang
araw narinig ko,
Umiiyak ka, ayaw
mo raw ako?
May gagawin ka,
Kayong dalawa ni
Ama,
Inay, ano itong
aking nararamdaman?
Masakit, mahapdi,
di ko makayanan.
Hindi ako
makakilos,
Hindi ako
makahinga,
Hindi ako
makakapit,
Para akong
hinihila,
Inay, ako’y
tinutunaw,
Pati mga pangarap
ko’y nilulusaw.
Bumabagal ang
daloy ng aking dugo,
Unti-unting
tumutigil ang aking pulso,
Bakit Inay, ayaw
mo ba sa akin?
Bakit uminom ka
ng gamot upang ako’y alisin?
Isa ba akong
sakit na dapat puksain?
Paalam Inay, importante
kayo sa akin ni Itay,
NAGMAMAHAL,
JUNIOR.
omaygosh Mae Ann, ikaw na! Maiyak man pud ako nito uyy.
TumugonBurahin