NAGMAMAHAL, JUNIOR





Mahal kong Inay,
Sabik na akong mabuhay,
Ang pasayahin ka kapag ika'y matamlay,
At marinig ang mga pangaral ni Itay.





Sabik akong masilayan ang mundo,
Ang madama ang pagmamahal ninyo,
Ang makita kang nakangiti habang ako’y kinakarga,
Ang mahalikan at makalaro si Ama.

Gusto kong marinig ang kwento ni Lola,
Ang halakhak ni Lolo at ang kanyang musika.
Gusto kong makalaro ang aking mga pinsan,
At  magkaroon ng maraming kaibigan.

Balang araw ay papahiran mo ang aking basang likod,
At iihipan ni Ama ang sugatan kong tuhod,
Sabik na akong mangarap at lumaki,
Upang balang araw ako’y inyong maipagmalaki.

Ako’y masaya ngayon na ako ay nasa iyong sinapupunan,
Di ko na mahintay na ako ay isilang.
Hanggang isang araw  narinig ko,
Umiiyak ka, ayaw mo raw ako?

May gagawin ka,
Kayong dalawa ni Ama,
Inay, ano itong aking nararamdaman?
Masakit, mahapdi, di ko makayanan.

Hindi ako makakilos,
Hindi ako makahinga,
Hindi ako makakapit,
Para akong hinihila,

Inay, ako’y tinutunaw,
Pati mga pangarap ko’y nilulusaw.
Bumabagal ang daloy ng aking dugo,
Unti-unting tumutigil ang aking pulso,

Bakit Inay, ayaw mo ba sa akin?
Bakit uminom ka ng gamot upang ako’y alisin?
Isa ba akong sakit na dapat puksain?
Paalam Inay, importante kayo sa akin ni Itay,
NAGMAMAHAL, JUNIOR.


Mga Komento

Mag-post ng isang Komento

Mga sikat na post sa blog na ito

When Love Comes (Footnote To Youth)

A Travel to the Philippine’s Tip